zebra finch (zéb•ra fínts) : uri ng ibon (Poephila guttata) na may itim at putîng guhit sa mukha, karaniwang matatagpuan sa Australia.
zéb•ra : ilahas na mammal (Equus burchelli) na kahawig ng kabayo, at may guhit na putî at itim sa buong katawan.
finch (fints) : maliit na ibon (family Fringillidae), karaniwang may matabâng tukâ at makulay na balahibo at kumakain ng butil at butó ng prutas